____  ___    _  _     _   _ _____     _______
 / ___|/ _ \  | || |   | | | |_ _\ \   / / ____|
| |  _| | | | | || |_  | |_| || | \ \ / /|  _|
| |_| | |_| | |__   _| |  _  || |  \ V / | |___
 \____|\___/     |_|   |_| |_|___|  \_/  |_____|

 --- A GOPHER-LIKE INTERFACE FOR HIVE BLOCKCHAIN ---

MCGI TOPIC REVIEW: Kailangan ba natin magtiis? 😊😇☝️

BY: @godlovermel25 | CREATED: June 2, 2026, 11:22 a.m. | VOTES: 19 | PAYOUT: $1.43 | [ VOTE ]

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Maligaya ako muling makabalik dito sa community dahil medyo matagal tagal na rin mula noong huling repleksyon ko sa isa sa topic na mababasa natin sa YouTube Channel ng MCGI.

Gusto ko lang ibahagi kung bakit hindi ako naging aktibo nitong nakaraang buwan ay dahil sa aksidenting nangyari sa aki. Na disgrasya ako sa Motor at medyo napurohan ang aking ulo, pero laking pasasalamat ko sa Dios dahil sa kagalingang ibinigay Niya sa akin.

Ngayon, bago ako magsimula sa aking bagong repleksyon, magpapasalamat muna ako sa Dios, sa lahat ng aking mga supporters, at sa Admin ng Community na walang sawang sumusuporta sa akin hanggang ngayon.

[IMAGE: https://i.ecency.com/DQmencEUndKWhtxun1L3THq4giJTgJv13BbAMABLmCWqA8E/1780396195292.jpg]

Ang topic na ating bibigyang repleksyon ay tumutukoy sa pagtitiis na merong pamagat na, "Kailangan ba natin magtiis?". Ito ay napakagandang topic na dapat nating malaman.

Habang tayo ay nandito sa mundong ating ginagalawan ngayon, hindi natin maiiwasang tayo ay dumaranas ng pagtitiis sa buhay. Marahil ito ay bunga ng ating mga ginagawa o sadyang ito ay ginawa ng ibang tao sa atin.

1 Corinto 10:11 "Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

Sobalit ayon sa Salita ni Lord na ating mababasa a itaas, ang lahat ng mga nangyari noong una o mga pang yayari sa Bibliyamga ay nagbibigay aral sa atin, halimbawa na nito ay ang kanilang mga pagtitiis sa buhay.

Kung ating babasahin sa Bibliya, ating mababasa na bagamat marami silang dinaranas na paghihirap sa buhay, halimbawa na nito ay si Job, pero nakikita din natin na nagtiis siya upang makamita niya ang Kaluoban ng Dios.

Sa mundong ito, lahat tayo ay maraming dinaranas na paghihirap sa buhay, at hindi natin ito maiiwas, pero dapat lang tayong magpatuloy dahil alam natin na hindi tayo pababayaan ng Dios.

[IMAGE: https://i.ecency.com/DQmeTqrKSZ77yBjwTaavtRjKyoGN6JHcPWUHK7BiFtrXMzD/1780397798942.jpg]

[IMAGE: https://i.ecency.com/DQmd5VHazUrC8LLmYcYDiguTZPpxSqyiTQnTLSTBQy68voF/1780397798989.jpg]

Santiago 5:11 "Narito, tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon.

Sa Bibliya marami tayong mababasang nagtiis sa kabila ng mga paghihirap sa kanilng mga buhay tulad na lamang ng mga propeta at sa buhay ni Job.

Sabi pa nga na nakipag usap pa nga ang kaaway sa Dios upang magbigay pa ng paghihirap kay Job at panahintulotan ito ng Dios. Sobalit ating nakikita na nagtiis talaga si Job at ang bunga ng kanyang pagtitiis ay nakamit niya kung anong kaluoban ng Dios sa kanya.

Ito ay nagpapakita sa atin na bawat isa sa atin ay talagang makakaranas ng paghihirap at kailangan nating magtitiis. Kung ating banasahin sa Hebreo 10:36, dito sinasabi na kailangan nating magtitiis upang magawa natin ang kalooban ng Dios at upang makatanggap tayo ng Kanyang ipinangako

Merong pangako ang Dios sa ating lahat, pero kailangan nating magtiis sa lahat ng mga nangyayarin sa atin ngayon at sa darating pa sa ating mga buhay.

[IMAGE: https://i.ecency.com/DQmW9juZeQ3ruJKDa4K1SEzNoYEa65bZt8Zcrrb9b2gceRV/1780398437762.jpg]

[IMAGE: https://i.ecency.com/DQmdUPxNHfaYoK3SYsUiUuFPsZPBYB1Tu1FotKXVC4tCRJG/1780398437811.jpg]

Isa pang halimbawa na at masasabi nating isa sa pinaka mahalagang halimbawa ng pagtitiis ay ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Bagamat dumaranas Siya ng paghihirap sa krus, pero itong lahat ay tiniis Niya para sa ating kaligtasan.

Ayon sa Hebreo 5:8, bagamat si Hesus ay anak ng Dios, Kanyang tiniis ang lahat. Nagawa ni Hesus ang lahat para sa kaligtasan ng tao at upang magawa Niya ang kalooban ng Dios.

Ang mga ipinakitang pagtitiis ng mga propeta, ni Job at ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay nagpapakitang kailangan nating magtiis habang buhay kahit pa sa kamatayan. Ipinakita ito ni Hesus doon sa krus. Kahit pa ang kamatayan ang kapalit ay nagtiis pa rin Siya.

Ngayon dito naman tayo sa aking huling masasabi tungkol sa topic na ito. Masasabi ko talaga na napakagandang malaman natin itong lahat. Tayong lahat ay hindi makakaiwas sa mga pagsubok at paghihirap sa buhay tulad na lamang sa nangyari sa akin.

Sobalit, ang topic rin na ito ay nagpapakita na kailangan nating magtiis sa lahat ng mga nangyari sa atin upang makamit natin ang kalooban ng Dios at makuha natin ang kanyang ipinangako. Ayon nga, ang magtitiis hanggang sa katapusan ay siyang maliligtas.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagtingin sa Puso at Panlabas na Anyo", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25

[IMAGE: https://files.peakd.com/file/peakd-hive/godlovermel25/EQVekFid-received_2638631723130236.gif]
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.

TAGS: [ #MCGI Cares Hive ] [ #mcgicares ] [ #mcgi ] [ #reflections ] [ #wordofgod ] [ #religion ] [ #neoxian ] [ #palnet ] [ #creativecoin ] [ #waiv ]

Replies

NO REPLIES FOUND.

[ BACK TO TRENDING ] [ BACK TO MENU ]
CMD>